Mga Post

Rainbow

Imahe
Take a little time baby See the butterflies' colors Listen to the birds that were sent To sing for me and you Can you feel me This is such a wonderful place to be Even if there is pain now Everything will be alright For as long as the world still turns There will be night and day Can you hear me There's a rainbow always after the rain -South Border

Resurfacing & 5/101 PQ

Nangangalahati na pala ang 2018 at eto palang ang magiging una kong post sa taong ito. Ang dami nang nagyari simula nung nakapasa ako. So far, ang naging highlights na natatandaan ko is nagkawork na ako- inclusive ang epic audit season experience ko, nakapunta na akong Marinduque-lugar ng pinakamabubuting nilalang na na-meet ko, naging third member sa Barangay at SK election, at nacommissioned na ako sa pagiging lec/com. Ayaw ko nang mag-upload ng pictures kasi ang bagal ng net at tinatamad na akong maghalungkat. Sa halip, sasagutan ko nalang ang 101 Power Questions na binili ko sa NBS dated 2013. Pero syempre hindi lahat yun sasagutan ko. Siguro gawin nalang nating 10 questions everytime na sinisipag ako mag-update ng blog pero wala akong ma-share. Here we go... 1. Who am I?           Wait, bago ko sagutan 'tong question na 'to, isha-share ko lang yung pinuntahan naming 'Chrsitian worship session' sa COC sa PUP. Sakop ata yun ng PUPSONS kung 'di ako nagk...

CPA Journey

Imahe
The journey, not the destination matters... - T.S. Elliot Masyado pang maaga para magmula sa akin ang mga katagang yan pero masasabi kong may karanasan akong maikukwento mula dito. Puno ng saya, lungkot, at pangyayaring di kapani-paniwala. Di ko maalala kung nabanggit ko sa blog na 'to na di ko ginusto ang kursong ito pero mukhang nagustuhan niya ako ng bery layt . Kung iisipin mo, sa lahat ng pinag-aasta ko simula nung college eh naka-graduate ako on-time at nakapasa ako ng CPALE sa unang take, malamang eh may pinaplano ang Makapangyarihan sa akin. Sa puntong ito ng buhay ko, aamin akong hindi ko na alam ang gagawin ko. May plano akong di konkreto at nakikisabay lang ako sa agos ng buhay ko. Anyway, katulad ng sinasabi ng karamihan, hindi naging madali ang paglalakbay na ito. Simula paggraduate, naging mag-isa na ako. Hindi ko siya masasabing pinakamababang punto pero isa ito sa pinakamalungkot na parte ng buhay ko. Nawala ang mga kaibigan kong kasama sa pangarap at eksenang ...

the COLLEGE 2.0

Imahe
ROLLER COASTER Kung sakaling ipapaliwanag ko man ang college life ko, malamang roller coaster ang pinakaperpektong bagay na maihahalintulad ko rito. Maliban sa ups and downs , mas nangingibabaw ang kaba at takot. Hindi siya fun ride pero pwede mong gawin ng solo flight . Gawa na ang sistema. Kailangan mo nalang matapos ang round na yun. Hindi masama kung dalawang round ang biyahe. Ang mahalaga, matapos mo at makababa ka. Hindi pare-parehas ang bakas na iniwan sa atin ng kolehiyo. Pero nakasisigurado akong may impresyon itong mananatili sa atin; mapait, matamis, maanghang, maalat, matabang... pero masarap ang linamnam. Minsan, kailangan mo lang ulit tikman para malaman. Mapalad ako. Sa lahat ng bagay na meron at nangyari sa akin sa yugto na ito ng buhay ko. At dahil diyan, nagpapasalamat ako sa bawat isang bumuo nito. Hindi ito ang landas na ginusto ko. Nakakabastos sa mga nagnais pero alam kong hindi ito ang tunay na ninanais ng puso ko. Hindi ito ang tunay na pinapan...

FoLa

Imahe
 Nagtaping kami ng Un Sueño Dentro de un Sueño ni Sr. E.A. Poe. Namiss ko ang ganitong happenings at nararamdaman kong lalo ko 'tong mamimiss sa future! Awesome shots credited to Shai D.

Po & Mei Mei

Imahe
Pastries:)     (c)Monde

Nuvali

Imahe
Nuvali Nuvali... Nuvali Nuvali...