Resurfacing & 5/101 PQ

Nangangalahati na pala ang 2018 at eto palang ang magiging una kong post sa taong ito. Ang dami nang nagyari simula nung nakapasa ako. So far, ang naging highlights na natatandaan ko is nagkawork na ako- inclusive ang epic audit season experience ko, nakapunta na akong Marinduque-lugar ng pinakamabubuting nilalang na na-meet ko, naging third member sa Barangay at SK election, at nacommissioned na ako sa pagiging lec/com.

Ayaw ko nang mag-upload ng pictures kasi ang bagal ng net at tinatamad na akong maghalungkat. Sa halip, sasagutan ko nalang ang 101 Power Questions na binili ko sa NBS dated 2013. Pero syempre hindi lahat yun sasagutan ko. Siguro gawin nalang nating 10 questions everytime na sinisipag ako mag-update ng blog pero wala akong ma-share.

Here we go...

1. Who am I?
          Wait, bago ko sagutan 'tong question na 'to, isha-share ko lang yung pinuntahan naming 'Chrsitian worship session' sa COC sa PUP. Sakop ata yun ng PUPSONS kung 'di ako nagkakamali. Biglang kinanta yung 'Who Am I'. Eh sa klase namin ako yung parang adik na minsan mataray, minsan baliw. Well naiyak lang naman ako, at hindi siya yung simpleng iyak kundi yung iyak na may uhog. Buti si Trixia lang nakakita sa akin kundi inisip nila may saltik talaga yung utak ko lalo na't hyper ako bago magstart yung event.
          Sheeet! Di ko alam isasagot ko. Actually 'di ko pa rin ganun ka-kilala ang sarili ko. Isang beses nung naghahanap ako ng trabaho, biglang tinanong sa interview yung question na "Tell me about yourself". Na-tameme ako nun, 'di ko alam kung ano isasagot ko. Siguro, sa tanda kong to, nakakahiyang aminin pero I'm still on the process of getting to know who I really am.

2. Who do I want to be?
          Sa dami ng naging plano ko sa buhay ko, mapapaiksi ko siya sa dalawang items. Either makatulong at maging ispirasyon sa iba, or maging masaya. Kung palarin, sana pwedeng both :)

3. What do I want to do?
          'Di ko alam. Tae! Kung trabaho ang pag-uusapan, honestly, gusto ko mag teatro. Pero di pa naman ako nagsasawa sa accounting eh kaya di muna ako magrereklamo.

4. If I had the power to do anything, what would I do?
          Papalinawin ko yung mata ko para makapag-palipad na ako ng eroplano, o 'di kaya babaguhin ko vocal chords ko para maabot ko yung last note ni Christine sa 'Phantom of the Opera', o di kaya makatulong sa kapwa at maging isang mabuting ehemplo lalo na sa nakababatang henerasyon,

5. What is my ultimate mission in life - magnificent obsession - and have I written it down?
          Actually, may bucket list akong ginawa (at outdated na siya) na nilagay ko sa likod ng journal/diary ko (na inaamag na din gaya ng blog na 'to). Ayaw ko siyang i-share at lalong-lalo na ayaw ko siyang pagusapan. The point is naisulat ko siya kaya wala kang mailalait sa akin.

Tae! Ang he-heavy pala ng mga questions na 'to. Tama na muna yung lima!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

IDentity

Camaron