IDentity

Kaninang umaga, maaga pa kaming gumising kahit 10:30 pa ang pasok. Bakit? PARA SA ID.
Syempre excited kami kaya pinag-usapan talaga ng tropang PNR ang oras ng aming pagpasok. Ang nangyari, ang tropang PNR-Alabang lang ang nagkasabay-sabay; Isang himala para sa amin ni Dremcy, diba RM?
Bale, 8:30 palang eh nasa school na kami. At dahil wala pa ang tapat na BSA 1-23, dumiretso na kami sa Charlie Del Rosario, umakyat sa second floor at nagmuni-muni. joke. Syempre, inusisa namin ang aming pakay. Habang nagbabasa-basa kami ng mga paskil doon eh nakita kami ng isang ate (with an epic door moment). BINGO!!! Saktong siya pala ang nagfafacilitate. Eh di buena mano kami?
Habang inaayos nila ang 'studio' nag-ayos-ayos na muna kami, tutal solo pa naman namin ang buong room. Lubus-lubusin muna. At saka 4 na taon ata naming pagtitiisan yung dugyot-na-mukahang kakalabasan nito noh? At dahil may nalalabi pang oras, nag practice muna kami ng 'photoshoot'.







Matapos ang ilang segundo-take note, segundo. joke. Minuto naman- eh nakuha na namin ang kinasasabikan naming ID. GOODBYE REGI!

And now, I proudly present to you, MY ID. Ang bunga ng tatlong picture shots, limang take ng tsuging-signature, at Php 50 na ID lace at ID case.



 

(chorry sa maling posisyon ng picture)

And after almost 4 months kong pag-aaral, ngayon ko na nafefeel ang pagiging PUPian:)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Camaron