Camaron

Ito ang sikreto ng paborito kong "Camaron of Auntie Nonong" na nagmula pa sa Aklan:)

Una, balatan ang hipon at sugpong tumatalon. Tumili nalang at tumakbo pag ikaw ay  tinalunan.






Hiwain ito sa gitna at mamangha sa iba't-ibang kulay ng mga ugat.






At dahil pagod ka na sa kakatili at kakatakbo, kumain muna ng pinya ni Tito Sonny at mag-selfie. Iwasan na dila mo ang makain ng pinya.



Pagdiskitahan din muna ang natitirang hipon na buhay. Titigan ang mga paa, katakutan, at picturan.






Ihanda ang mga rekados. Batihin ang itlog at paghaluin ang mga natitirang ingredients.






Pagdumating na ang pinsan mong si Bibeng(spelling?), pagtulungan niyo nang isawsaw ang hipon dun sa mix at balutin ng bread crumbs(spelling?). Hayaan ang nakatatanda ang magprito.













At, VIOLA!!!! Luto na ang pinakamamahal kong Cameron.
Basta, tandaan na sa susunod ay picturan muna ito bago kainin para makumpleto naman ang blog post na gagawin mo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

IDentity