CPA Journey

The journey, not the destination matters... - T.S. Elliot

Masyado pang maaga para magmula sa akin ang mga katagang yan pero masasabi kong may karanasan akong maikukwento mula dito.
Puno ng saya, lungkot, at pangyayaring di kapani-paniwala. Di ko maalala kung nabanggit ko sa blog na 'to na di ko ginusto ang kursong ito pero mukhang nagustuhan niya ako ng bery layt. Kung iisipin mo, sa lahat ng pinag-aasta ko simula nung college eh naka-graduate ako on-time at nakapasa ako ng CPALE sa unang take, malamang eh may pinaplano ang Makapangyarihan sa akin. Sa puntong ito ng buhay ko, aamin akong hindi ko na alam ang gagawin ko. May plano akong di konkreto at nakikisabay lang ako sa agos ng buhay ko.
Anyway, katulad ng sinasabi ng karamihan, hindi naging madali ang paglalakbay na ito. Simula paggraduate, naging mag-isa na ako. Hindi ko siya masasabing pinakamababang punto pero isa ito sa pinakamalungkot na parte ng buhay ko. Nawala ang mga kaibigan kong kasama sa pangarap at eksenang pinaka-aasam namin. Nakasisigurado akong dadating din sila sa puntong iyon pero hindi na katulad ng sa imahinasyon ko. Pumapasok ako sa review school ng mag-isa. Wala akong masandalan na lubusang nakakaintindi ng hirap na napagdaanan at pinagdadaanan para sa lisensyang pinaglalaban. Pumasa ako at nanumpa ng walang katuwang. Wala akong kasamang ngumiti dahil sa napagtagumpayan sa kabila ng halos kawalan ng pag-asang lumaban. Siguro ang mga kasawiang ito ang patuloy na nagpapalakas sa akin. Siguro ang mga dalamhating ito ang nagtuturo sa akin na ayos lang kumapit sa iba dahil kailangan ka din nila. Ayos lang mawala, ayos lang mag-isa, ayos lang magtanong, ayos lang ang mangamba, ayos lang ang magtapang-tapangan, ayos lang makipagsapalaran. Naniniwala akong lahat ng bagay may dahilan!

Well, here are some of nonsense pictures na meron ako since grad-to-review-to-oath taking. Di ko akalaing papasa ako kaya di ako nagplano na gumawa ng documentary.


Hi senpai!
I realized na nawawala yung iba kong pictures in UST especially with my dormmates during review. Miss you Ate Manz, Ate Alexis, Ate Eunice, Allysa, Julie, Cherry and Rachel

Hi po!
Di na po ako nakapagpasalamat sa inyo. Di ko na po kayo nakita pagbalik ko :(


ReSA Batch 34
Hanapin niyo ako, pero alam kong 'di niyo ako makikita kasi kahit ako 'di ko alam kung nasaan ako


Credits to Ate Thet fo taking my oath taking pictures

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

IDentity

Camaron