God's Manifestation of Love

Hey! Hey! Hey!
Patapos na ang March pero... WELCOME 2019!!! lol
Kung saan-saang lupalop na ng Panay nakarating ang lola niyo at may bago na siyang trabaho pero ito palang ang unang blogpost niya for 2019. Napakainsensitibo!

Well, anyways... I've been planning to post an article (charot, maka-article naman si ateng) since last year about those people whom I really treasure. Since narinig ko ang homily nang isa sa mga pari dito sa amin (at aaminin kong nakalimutan ko na kung sinong pari yun) about 'Manifestation of God's Love', gustong-gusto kong i-share ang testimony ko sa isa sa mga paraan nang pagpaparamdam Niya sa aking ng pagmamahal.

Family will always be there for you, at totoo talaga yan! Madalang lang kami magkita ng mga pinsan at titos and titas ko pero parang walang nagbago every meet up ko sa kanila. They've always been concerned and nosy in a good way sa mga nangyayari sa buhay ko. They even let me in on their inside jokes and updates me on current issues nila sa isa't isa. Their hugs and kisses are full of I miss you and take care. But this certain page is not for them, though they're certainly one of manifestations. I dedicate this segment of my blog to my *drum roll* FRIENDS! ('I'll Be There For You' song playing in the background)

Since graduation, and maybe even before graduation, I've always been down. Ang hirap mag express ng sarili lalo't di mo na kilala ang iyong sarili at hindi mo na rin alam kung anong i-eexpress mo. Dumating ang adulting at nagkatrabaho na ako. First job. Gusto ko ang trabaho ko. Masaya ako kasi marami akong natututunan at nachachallenge ako. But there are still times that you are not you and I can't simply just grab a Snickers and do the tasks as easily as I can normally do. Sometimes I need a break pero sa mundong pinasok ko, you can't afford to slack. Napuno ako. Yung workmates mong nagpapagaan sa trabaho mo kahit papaano ay unti-unting nababawasan at di na napapalitan. Nahirapan ako. Though physically kaya ko naman ang work load kahit mabigat, emotionally, di ko na siya kaya and I don't even know why. Siguro kasi wala na yung fire na meron ako nung nagstart ako. At siguro sa puntong ito naggugulimahanan ka kasi ako yung bida sa rants ko. So, dito na papasok ang FRIENDS ko ('I'll Be There For You' song playing in the background).

Geographically speaking, malayo kami sa mga kamag-anak namin. And I'm so happy na few of my friends are there to proxy. Honestly, they are people na may special place na sa buhay ko so subs is not the term to describe them. I don't have siblings kaya sa buhay kong ito, sila na yung matatawag kong kapatid. Tuwing umay na ako sa work, hangouts on upcoming TGIF or weekends or whenever available with them ang bumubuhay sa akin. Di ako ganon ka touchy na tao pagdating sa kanila but the simple kamustahan and chikahan is enough. Walang sawang asaran, kulitan at laitan with no hard feelings are the best stress reliever. I love the idea na di ko sila ka-ano-ano but I've seen them grow up and be successful in both little and big things in life. Nakakatuwang isipin na isa kami sa mga batang walang ka-muwang-muwang sa buhay noon at hanggang ngayon ganun pa rin naman, but we are all working and striving to reach our ultimate dreams and mission in life. We have our own struggles and we are facing it like a true warriors, finding or creating our own paths. I don't usually have those deep talks with them. Just those shallow and generalized one but it still made me realize na di ako nag-iisang kumekwestiyon sa nangyayari sa buhay ko. I have them and they have me which is good enough for me.





 

 

To all my friends, nakuhaan ko man kayo ng picture or hindi, salamat sa oras. Salamat sa pag-initiate na makipag kita sa akin. Salamat sa pakikinig at sa pagkukwento. Higit sa lahat, salamat sa libre :)

('I'll Be There For You' song playing in the background)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

IDentity

Camaron