Crossroads of Destiny 2.0
Hallu!!!
Patakas na post sa office habang nag-baback-up ng files!
Kamusta naman ang pangatlong post ko for CY 2018?
Wala akong entry tungkol sa crossroads of destiny part 1 ko dahil hehe wala pa ako noong blog hehe. Sa katunayan, ginawa ko 'tong blog na 'to pagkatapos ko magdesisyon sa parte ng buhay kong yaon.
At ngayon, malapit na ako sa 2nd part.....ramdam na ramdam ko na. Ang drama pakinggan pero itong desisyong gagawin ko ang magdidikta sa kinabukasan ko. Nakakatakot, nakakabaliw, nakakapagpabagabag! Noon, pag iniisip ko kung sakaling dumating ako sa ganitong punto, pipiliin ko kung ano ang makakapagpasaya sa akin. Pag nanonood ka ng mga drama o movie, ito yung part na sasabihin mo sa bida na gawin niya kung ano ang sinisigaw ng puso niya. Pero 'di pala talaga ganun kadali yun. People always say, life is full of choices. No one ever mentions fear! Takot! Malamang takot ang nagpipigil sa akin. Takot sa sigurado at malagong kinabukasan. Takot na masayang ang oras at pinaghirapan. Takot sa paghuhukom ng mga taong nakapaligid sa akin. Takot sa sarili ko, sa kung anong mangyayari sa buhay ko.
Pero may PERO!
Paano kung ito ang huling pagkakataon ko? Paano kung ito talaga yung para sa akin? Paano kung pagsisihan ko ang pagiging duwag ko? Paano kung magiging masaya pala ako? Paano pag namatay agad ako bukas ng 'di ko man lang nasusubukan?
Isinakripisyo ko na ang una kong desisyon. Kailagan ko ba ulit isakripisyo 'tong susunod?

Ano ba kasi yon??? hahahahha
TumugonBurahin