Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2017

CPA Journey

Imahe
The journey, not the destination matters... - T.S. Elliot Masyado pang maaga para magmula sa akin ang mga katagang yan pero masasabi kong may karanasan akong maikukwento mula dito. Puno ng saya, lungkot, at pangyayaring di kapani-paniwala. Di ko maalala kung nabanggit ko sa blog na 'to na di ko ginusto ang kursong ito pero mukhang nagustuhan niya ako ng bery layt . Kung iisipin mo, sa lahat ng pinag-aasta ko simula nung college eh naka-graduate ako on-time at nakapasa ako ng CPALE sa unang take, malamang eh may pinaplano ang Makapangyarihan sa akin. Sa puntong ito ng buhay ko, aamin akong hindi ko na alam ang gagawin ko. May plano akong di konkreto at nakikisabay lang ako sa agos ng buhay ko. Anyway, katulad ng sinasabi ng karamihan, hindi naging madali ang paglalakbay na ito. Simula paggraduate, naging mag-isa na ako. Hindi ko siya masasabing pinakamababang punto pero isa ito sa pinakamalungkot na parte ng buhay ko. Nawala ang mga kaibigan kong kasama sa pangarap at eksenang

the COLLEGE 2.0

Imahe
ROLLER COASTER Kung sakaling ipapaliwanag ko man ang college life ko, malamang roller coaster ang pinakaperpektong bagay na maihahalintulad ko rito. Maliban sa ups and downs , mas nangingibabaw ang kaba at takot. Hindi siya fun ride pero pwede mong gawin ng solo flight . Gawa na ang sistema. Kailangan mo nalang matapos ang round na yun. Hindi masama kung dalawang round ang biyahe. Ang mahalaga, matapos mo at makababa ka. Hindi pare-parehas ang bakas na iniwan sa atin ng kolehiyo. Pero nakasisigurado akong may impresyon itong mananatili sa atin; mapait, matamis, maanghang, maalat, matabang... pero masarap ang linamnam. Minsan, kailangan mo lang ulit tikman para malaman. Mapalad ako. Sa lahat ng bagay na meron at nangyari sa akin sa yugto na ito ng buhay ko. At dahil diyan, nagpapasalamat ako sa bawat isang bumuo nito. Hindi ito ang landas na ginusto ko. Nakakabastos sa mga nagnais pero alam kong hindi ito ang tunay na ninanais ng puso ko. Hindi ito ang tunay na pinapan