the COLLEGE

...At matapos nga ang ilang dekada, ngayon pa lang ulit ako nakapag-post :3

Sobrang hirap pala talaga maging college. Ngayon ko pa lang nafefeel ang hirap, gayundin ang linamnam. Sa umpisa, sobrang nakaka-depressed (grammar?) dahil sa di-mapaliwanag na dahilan. Humantong pa nga sa puntong lugmok-na-lugmok ako dahil din sa di mapaliwanag na dahilan (waaaahhh! AWKWARD! chorry! 1st time mag open-up nang lantaran eh!). Nararanasan ko na din yung hirap ng isang tunay na estudyante. Yung tipong aral-na-aral ka na. Pagpasok, sa byahe papasok, sa vacant, sa byahe pauwi, pagdating sa bahay, bago matulog hanggang pagkagising- reviewer, libro at binder hawak mo. Pero kahit sa ganoong sitwasyon, pasang-awa pa din yung grades na nakukuha mo. Tila di sapat lahat ng pagsisikap!
Naranasan ko na rin kumapit sa patalim. Sa katunayan, kanina nga lang ehXD
Naiintindihan ko na din yung grading system. Hindi yung grading system mismo kundi yung G.S. para sa mga estudyante. Yung sinasabi nilang basta pasado na. Kaso natatakot ako kasi di naman talaga ako ganito dati. Baka masanay ako at magsawalang bahala na ako sa sunod pang mga araw. Patuloy kong ipinapanalangin na sana umpisa lang to. Kailangan kong bumangon muli para sa mga pangarap ko. At saka ayos na yung tamarin sa umpisa kaysa sa bandang pagtatapos naXD

Nga pala, para mapakilala ko sa inyo ang bagong mundong kinasasadlakan ko, nilagyan ko nang pictures 'tong OA at senting post na 'to. Kuha 'to sa sintang paaralan. Yung mga panahong hinyper ako dahil sa pool. 
Na-excite. First time. Pagbigyan:)
Nga pala, sila yung mga blockmates ko na pinagtripan ko:D




Hi Liza


 Hi Earl

 Hi Jasmine
 Hi Rannie
 Hi Hazel
Hi Trixia


Hi Cha

Hi Mari

Hi Mark:)

Hi Andi

:)

Hi Sai

Hi Khyrra

Hi Rae Ann


Hi Christine:)

Syempre, di mawawala ang favorite picture ko:)
Hi Sheena=>

Ako ang kumuha niyan at proud ako:)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

IDentity

Camaron