...At matapos nga ang ilang dekada, ngayon pa lang ulit ako nakapag-post :3 Sobrang hirap pala talaga maging college. Ngayon ko pa lang nafefeel ang hirap, gayundin ang linamnam. Sa umpisa, sobrang nakaka-depressed (grammar?) dahil sa di-mapaliwanag na dahilan. Humantong pa nga sa puntong lugmok-na-lugmok ako dahil din sa di mapaliwanag na dahilan (waaaahhh! AWKWARD! chorry! 1st time mag open-up nang lantaran eh!). Nararanasan ko na din yung hirap ng isang tunay na estudyante. Yung tipong aral-na-aral ka na. Pagpasok, sa byahe papasok, sa vacant, sa byahe pauwi, pagdating sa bahay, bago matulog hanggang pagkagising- reviewer, libro at binder hawak mo. Pero kahit sa ganoong sitwasyon, pasang-awa pa din yung grades na nakukuha mo. Tila di sapat lahat ng pagsisikap! Naranasan ko na rin kumapit sa patalim. Sa katunayan, kanina nga lang ehXD Naiintindihan ko na din yung grading system. Hindi yung grading system mismo kundi yung G.S. para sa mga estudyante. Yung sinasabi nilang bast